just talking…

araw-araw sa buhay ni manang

i am a REAL first-born March 13, 2008

Filed under: buhay test — gwenmari @ 2:13 pm

Look at the result of my test on the Birth Order Predictor… I got my real birth order. This simply means that I am acting the way that I should. Check this out!


You Are Likely a First Born


At your darkest moments, you feel guilty.
At work and school, you do best when you’re researching.
When you love someone, you tend to agree with them often.

In friendship, you are considerate and compromising.
Your ideal careers are: business, research, counseling, promotion, and speaking.
You will leave your mark on the world with discoveries, new information, and teaching people to dream.

 

taglish na lang

Filed under: buhay wala lang — gwenmari @ 2:10 pm

Napapansin kong hindi masyadong okay ang mga formation ng aking pagsususulat sa tagalog. Ika nga, walang thought at flow. Habang binabasa ko ang mga isinusulat ko, naawa ako sa sarili ko. Napaka- walang sense… kaya later on, I’ll try to write better. Maybe more of Taglish… I just hope that I’ll be able to do justice on using this language.

O sya, have to go. I still have to work on some articles. I need to earn money… I plan to visit Baguio soon. This time, no one can stop me. I need a break…

 

tsismosa? daldalera?

Filed under: buhay-buhay — gwenmari @ 2:07 pm

Nakakainis makinig sa isang daldalera, subalit higit na mas nakakairita ang makinig sa isang tsismosa. May mga panahong nais ko sanang matapos ang aking araw ng mapayapa. Ni hindi nga ako lumalabas ng bahay dahil (1) wala naman akong gaanong kakilalang kapitbahay, (2) hindi ako sanay mangapitbahay, (3) at lalong masyado akong maraming gawain para mangapitbahay. Subalit paano kung ikaw mismo ang pinupuntahan? Nahihirapan akong magpaalis ng tao kaya ang ginagawa ko, hindi ko kinikibo at lalong hindi ko sinasagot. Ayoko kasi ng kung sinu-sinong mga tao ang ikinukuwento, eh hindi ko naman kilala… at lalong wala akong interes na kilalanin. Ayoko rin ng paulit-ulit na kuwento kahit pa nasabi na sa akin yun nung isang araw o nung isang linggo…

Isa sa mga napag-aralan ko dati, sabi nila ang pinakamababang antas ng pag-uusap ay ang pag-uusap na ang ‘topic’ ay ang kapwa tao. Tsismis ang ganito di ba? Kaya mula noon, iniiwasan ko ang ganito. Okay lang yung napag-uusapan pero pagkatapos nun ay tapos na… Maalala ko, sa bahay namin ang ganitong usapan ay hindi pinahihintulutan. Galit ang tatay ko kung nagkukuwento ang nanay ng kung sinu-sino kaya iniwasan na ito sa amin, lalo na kung hindi naman makakaapekto sa pagkatao namin. hay…

Meron ka bang kapitbahay na ganito? Sana huwag mong maranasan ang nararanasan ko ngayon…

*nahihirapan akong magsulat… parang walang punto ang sinasabi ko :p

 

sirang plaka March 12, 2008

Filed under: buhay-buhay — gwenmari @ 2:56 pm

Hindi ba nakakairita ang sirang plaka? Paulit-ulit na lang, yun at yun ang sinasabi.

Para sa akin ang pagtulong sa kapwa ay malaking bagay. Pero kung ang tinulungan ko ay hindi nasiyahan o nagpasalamat man lang o ni hindi tumanaw ng utang na loob, okay lang din. Wala na akong pakialam sa kanya. May karma din sya…

Tingin ko mas mabuti ito kesa yung tipong sa bawat dadaang tao ay ikukuwento ko kung gaano sya kawalang utang na loob o kung gaano sya kairesponsable. Para sa akin, responsibilidad ko yun. Yung ayaw kong tumuloy, bahala sila. Pero kung tutulong ako, buong puso ko itong gagawin at tama na sa ganun…

Minsan, may mga taong ikinukuwento sa kapitbahay at kakilala ang pinaggagawa ng taong kanilang tinulungan. Kesyo, hindi marunong tumanaw ng utang na loob, atbp… hindi ba nila alam na pinapababa na nila ang sarili nila? Totoo, merong mga taong makikisimpatiya sayo dahil sa walang utang na loob mong kamag-anak, pero meron ding magsasabing wala kang kwentang kamag-anak. Bakit? kasi lahat ng itinutulong mo gusto mo may kapalit. Kung yun ngang kamag-anak mo may sinusumbat ka paano pa yung mga hindi mo kadugo? Siguradong magkamali lang sila, mas marami pa silang salitang maririnig sayo… kaya sana, tama na! Iba na lang ikuwento mo at pulain mo dahil mas malaki ang babalik sa yo.

 

ms. world? March 10, 2008

Filed under: buhay wala lang,buhay-buhay — gwenmari @ 7:48 pm

or should I say, Queen of the Pageant? I was not able to watch the question and answer portion of Bb. Pilipinas because it was already late. I wasn’t aware of the real issue until I read about it on the newspapers. It is only now that I checked it on youtube… all I can say is GRABE!!! Do you expect someone like her to represent the Philippines for the Ms. World Competition? Or maybe, she’ll have an interpreter with her when her time comes (pwede ba yun? despite the fact that Philippines is an English-speaking country?)…

Grabe! Nakakainis yung tawa nya, yung I came from the one of the ‘taf ten’, ‘they was the one’ dialogue nya, yung ‘most important persons in my life’ drama and everything… now pa lang, sobrang kinakabahan na sya what more when she’s abroad? Can she reason out to the judges that she’s just 17 and its her so and so pageant? my gosh?!!!

Bahala na kayo to judge… here is what I got from youtube…

 

hati March 4, 2008

Filed under: buhay wala lang — gwenmari @ 3:44 pm
Tags:

nahahati ang kalooban ko kung gagawin kong English ang blog na ito o huwag na lang… gusto ko kasi sana itong isali sa paid blogging kaso lang naisip kong marami na akong blog na sinusulatan ngayon. madalas pa, pag paid blog na yun nawawala na ang takbo ng blog. nais ko mang i-relate ang mga subject ko, mahirap naman gawin yun parati… siguro, tagalog na nga lang ito. para at least pwede akong magsulat ng magsulat kahit hindi na ako nag-iisip kung tama ba grammar ko o ano.. nweis, kahit hindi ako madalas magsulat dito, masasabi kong ito ang pinaka paborito ko sa lahat… dito ko talaga nasasabi ang mga hinaing ko. ang kagandahan pa nito, pwde kong itago ang post ko 🙂 o di ba, sosyal… pwede akong magmura at hindi mababasa ng iba :p

o sya, balik muna ako sa trabaho. kailangan ko ng matapos ito bago pa man ako matsugi ng boss ko.

hanggang sa muli 🙂 paalam…

 

bagong anyo

Filed under: buhay-buhay — gwenmari @ 3:43 pm
Tags:

kasama ng aking pagbabalik ay ang pagbabagong anyo ng aking blog 🙂 natutuwa ako at mukhang gumanda naman sya sa aking paningin… may mga nakahanda na akong isusulat dito at sana maipahayag ko ng mabuti ang mga nais kong iparating… o sya, may mga nag-aantay pa sa aking mga trabaho… sayang din ito pag hindi ko magagawa. kailangan ko ng pera, malapit na ang aking bertdey…