just talking…

araw-araw sa buhay ni manang

sulat ng ina at ama para sa kanilang mga anak September 25, 2007

Filed under: buhay-buhay — gwenmari @ 8:59 pm

Sa aking pagtanda unawain mo sana akoat pagpasensyahan.
Kapag dala ngkalabuan ng mata ay nakabasag ako ngpinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapagkainan, huwag mo sana ako
kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagsa-self-pity a
ko sa tuwing sisigawan moako. Kapag mahina na ang tenga
ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman
sana ako sabihan ng “binge!”paki-ulit na lang ang sinabi mo o
pakisulat na lang.

Pasensya ka na anak matanda na talaga ako.
Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-alalay ko sa
iyo noong nag-aaralka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana kung ako man ay nagiging
makulit at paulit-ulit naparang sirang plaka, Basta
pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
pagtatawanan o pasasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
Kapag gusto mo ng lobo paulit-ulit mo ‘yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hanggat di mo nakukuha
ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy.
Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana ako piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit
kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo ba noong bata ka pa pinagtiyagaan kitang
habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit,
dala marahil ngkatandaan. Pagtanda mo maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon,magkuwentuhan naman tayo,
kahit sandalilang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa.
Walang kausap. Alam kong BUSY ka sa trabaho, subalit nais
kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka,
kahit alam konghindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo ba anak, noong bata kapa? Pinagtiyagaan
kong pakinggan atintindihin ang pautal-utal mong kwento
tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako’ymagkakasakit at
maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong
pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo nasana kung ako
man ay maihi o madumi sahigaan, pagtiyagaan mo sana
akong alagaan sa mga huling sandali ng akingbuhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo
sana ang aking kamay ay bigyan mo ako ng lakas ng loob na
harapin ang kamatayan. At huwag kang mag-alala, kapag
kaharapko na ang Diyos na lumikha, ibubulong kosa
Kanya na pagpalain ka sana… dahilnaging mapagmahal
ka sa iyong AMA’TINA…..

nabasa at nakuha ko ito sa isang blog na nadaanan ko.

 

15 Responses to “sulat ng ina at ama para sa kanilang mga anak”

  1. ang ganda. in fairness..

  2. mari Says:

    agyaman-ak theilocanoblogger iti panagbasam šŸ™‚

  3. awan aniaman na manang.(walang anuman ate.) link exchange? hope you’ll like.

  4. gwenmari Says:

    i don’t really know how to manupilate wordpress that much kaya hindi ko alam mag link dito. if you like, pwede tayong xlink sa blogspot account ko šŸ™‚

  5. Mhygsz Says:

    waaaa.. ayos yan ah, iyak me ng iyak. hehehehe.. God bless po.

  6. glaiza Says:

    very meaningful ung thought nia…

  7. Namiss ko lalo papa at mama ko sana makauwi na ako…

  8. winston Says:

    ayos ahhhh… ala akong masabi..
    lupit mo….

    muntik mong napa.iyak ang batang wlang puso…

    ayos to keep it up..

  9. edmon servillon Says:

    i’ve heard this letter in the celebration of the mother’s day in our chapel with the background of “iingatan ka” by carol banawa, and a woman read this letter heartidly. im a very hard to cry person but it strikes me directly thru my heart as if it was a bullet. out of nowhere my tears fell down and felt the thought of this letter.

  10. Pedrita E. Dingding Says:

    Nakaka-touch ang message, minsan nakakarelate ako dahil kasalukuyan akong nag-aalaga sa aking mahal na inay, siya na po ay may 84 na taong gulang.

  11. jeneva bernabe Says:

    i remember nung nasa highschool pa ako binasa samin ng teacher namin yung letter na toh super ako naiyak! T.T lalo ko naramdaman ang kahalagahan ng aking mga magulang. i really love them so much! salamat sa gumawa ng letter. appreciated po šŸ™‚ God Bless!

    — jeneva bernabe

  12. kate allarde Says:

    ang ganda tlaga ng meaning

  13. laizell Says:

    ang ganda talaga…………


Leave a reply to jeneva bernabe Cancel reply