just talking…

araw-araw sa buhay ni manang

mga uri ng manliligaw September 29, 2007

Filed under: buhay - kopya — gwenmari @ 11:38 am

eto ay aking nasagap mula sa bulletin ngaking friendster account. mukhang hindi seryoso pero meron ngang mga manliligaw na ganito. sa mga dalaga jan, alin dito ang inyong boyfriend? 🙂

1. Mr. Hearthrob – mayaman, gwapo, kilala, at higit sa lahat may wheels. Mataas ang confidence nya na hindi sya mababasted, kaya pag nabasted… Maapektuhan ng husto ang kanyang EGO. At take note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. Pwede nyang sabihing “sus kala mo kung sinong maganda e pinagtyatyagaan ko lang naman sya! Pwe!”

2. Mr. Quickie – ang type ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam na sabihin kundi “kelan mo ba ako sasagutin?” o kaya “i love you na, ako ba hindi mo pa lab?” kahit na isang
linggo pa lang naman syang pumoporma. Kung baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.

3. Mr. Everything – linya nya ang “sagutin mo lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magustuhan mo. Kahit pa ang buwan o kaya mundo.” Tanga ka na pag nagpauto ka. Dahil pag sinagot mo na yan,makakalimutan na nya ang linyang yan.

4. Mr. Stalker – eto yung type ng manliligaw na pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong na “kumain ka na ba?” pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong “nsan ka ngayon?” “sinong
kasama mo?” “anong ginagawa mo?” at kung anu-ano pa. Basta tungkol sa daily activities mo kelangan malaman nya.

5. Mr. Take it or leave it – pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. At heto pa, hinding-hindi ka na nya papansinin. Period.

6. Mr. Salesman – dadaanin ka sa matatamis na salita. Parang si Mr. Everything din kaya lang sya mas matindi mang-uto. Yun bang tipong..”ang ganda ganda talaga ng mga mata mo..” o kaya “ang kinis kinis mo” o kaya “ang lambot ng mga kamay mo” at iba pang pang-uuto
mapasagot ka lang.

7. Mr. Good Dog – eto ang nakakatuwang manliligaw. Kase payag syang magpaalipin. Taga-bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. Kahit magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. Napapakitang gilas kung baga. Pero pag sinagot mo na, for sure
gaganti yan.

8. Mr. Anonymous – motto nya ang “action speaks louder than words”. Wala kang kaalam-alam, nanliligaw na pala. Kaya pala ang bait-bait sayo. E akala mo mabait lang talaga. Wahehe!

9. Mr. Second chance – sya ang pinakamasugid mong manliligaw. Kahit 100 times mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-asa ang sasabihin nya parin “Please give me a second chance”

10. Mr. Feeling Boyfriend – Ah eto matindi. Hindi pa man kayo, feeling niya kayo na! It’s like Mr. Stalker and Mr. Good Dog in one, plus the tawag every hour. Kahit na alam niyang nasa
klase ka or in the middle of something very important, wala siyang kiber! Basta tatawag siya sa’yo para i-check ka… EVERY HOUR!!!!!! Eto pang matindi, super jelly siya sa mga male
friends mo kasi super duper close kayo. Feeling masyado!!! Cheeh!!

At highit sa lahat…

11. Mr. Romantiko – jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. Manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at laging may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw. Pero madalas nakakapagpakilig sya ng nililigawan.

 

kagandahan ng WP September 28, 2007

Filed under: buhay-buhay — gwenmari @ 9:03 pm

hay… tapos na naman ang linggo. eto at biyernes na ng gabi. parang kelan, magandang umaga lunes ang drama ko ngayon magandang gabi biyernes na. ang bilis na talaga ng takbo ng panahon. siguro ito ay dahil masyado akong nagiging abala nitong mga nakaraang araw. napakaraming trabaho at hindi pa ako marunong ng time management. ngunit ganun pa man, ako ay natutuwa at kahit papaano ay umuusad ang araw ko ng may kabuluhan 🙂

parang napapalayo ata ako sa titulo ng aking artikulo… ang totoo nyan, nais ko lamang isulat na natutuwa talaga ako sa WP. ang bilis tumaas ng bilang ng mga taong dumadalaw dito sa munti kong tirahan. parang kelan lang, nasa 40 something lang ito pero ngayon parang 150+ na yata. ang laki ng itinaas ha, in fairness wala pa akong link at kung anu-ano jan! (hindi kasi ako marunong magmanipula… sa nakakaalam, handa po akong tumanggap ng tulong… yoohhooo!!!)

natutuwa rin ako at kahit papaano, dumarami na rin ang nakikilala ko sa pamamagitan ng pagbblog. hindi nila ako nakikilala kasi nakikisilip lamang ako sa kanilang mga tahanan. hi-tech talaga itong paraan ng pakikichismis, hindi ko na kailangang umalis at mangapit-bahay. paklik-klik lang at nasa kung saan-saan na ako.

o sya, ako’y maglilibot muna kung saan at nang baka may masagap na naman akong chika… sa uulitin!

 

sulat ng ina at ama para sa kanilang mga anak September 25, 2007

Filed under: buhay-buhay — gwenmari @ 8:59 pm

Sa aking pagtanda unawain mo sana akoat pagpasensyahan.
Kapag dala ngkalabuan ng mata ay nakabasag ako ngpinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapagkainan, huwag mo sana ako
kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagsa-self-pity a
ko sa tuwing sisigawan moako. Kapag mahina na ang tenga
ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman
sana ako sabihan ng “binge!”paki-ulit na lang ang sinabi mo o
pakisulat na lang.

Pasensya ka na anak matanda na talaga ako.
Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-alalay ko sa
iyo noong nag-aaralka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana kung ako man ay nagiging
makulit at paulit-ulit naparang sirang plaka, Basta
pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
pagtatawanan o pasasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
Kapag gusto mo ng lobo paulit-ulit mo ‘yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hanggat di mo nakukuha
ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy.
Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana ako piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit
kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo ba noong bata ka pa pinagtiyagaan kitang
habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit,
dala marahil ngkatandaan. Pagtanda mo maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon,magkuwentuhan naman tayo,
kahit sandalilang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa.
Walang kausap. Alam kong BUSY ka sa trabaho, subalit nais
kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka,
kahit alam konghindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo ba anak, noong bata kapa? Pinagtiyagaan
kong pakinggan atintindihin ang pautal-utal mong kwento
tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako’ymagkakasakit at
maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong
pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo nasana kung ako
man ay maihi o madumi sahigaan, pagtiyagaan mo sana
akong alagaan sa mga huling sandali ng akingbuhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo
sana ang aking kamay ay bigyan mo ako ng lakas ng loob na
harapin ang kamatayan. At huwag kang mag-alala, kapag
kaharapko na ang Diyos na lumikha, ibubulong kosa
Kanya na pagpalain ka sana… dahilnaging mapagmahal
ka sa iyong AMA’TINA…..

nabasa at nakuha ko ito sa isang blog na nadaanan ko.

 

umagang kay-ganda September 24, 2007

Filed under: iskedyul ng buhay — gwenmari @ 9:39 am

magandang lunes ng umaga blog 🙂 umpisa na naman ng linggo…

naging maayos naman ang aming unang oras ng lunes. nakapagluto ako ng almusal at baon ng aking mister at maaga rin akong nakapag-umpisa ng trabaho. sana magtuloy-tuloy ito hanggang mamayang hapon at sa mga susunod pang araw.

sa ngayon ang iniisip ko ay ang aking mga nakatakdang trabaho sa araw na ito. kailangangang makasulat ako ng 4 na artikulo tungkol sa mga pekeng ID, pasaporte at kung anu-ano pang importanteng mga dokumento ng tao na maaaring ipalsepika. kailangan ko itong maisumite sa aking bossing ng bago alas-nuwebe ng gabi.

kailangan ko ring magsulat ng 8 artikulo tungkol sa mga cabinet. kalahati ito ng aking isa pang assignment. kailangan kong matapos ito ngayon, kundi patay na naman ako bukas (mahilig kasi ako magrush… mas nakakapag-isip ako kung naghahabol ng oras, pero hindi tama ito kasi natetense ako masyado at umiinit ang ulo ko).

bukas, kailangang matapos ko na ang kabuuan kong assignment sa isa kong boss 🙂 madali na lang ito dahil nasasanay na akong magsulat ng mahigit 1,000 salita sa isang artikulo. pero syempre, kailangan ko pa ring ma-inspire para tuloy-tuloy ang flow ng utak ko… naks! parang true :p

miyerkules, malamang makakahinga na ako nun kahit konti kasi tapos ko na mga artikulo ko (sana naman…) at sana maipadala ko na rin ang AVP ng kaibigan kong si oset para sa kanilang kasal. ang aking si G ang gagawa nun, dahil dito sya magaling. isang upuan lang nya yan at siguradong okay na. wag lang sana syang maunahan ng paglalaro nya ng vice city.

huwebes at biyernes… wala pa akong naka iskedyul na gagawin. mag-aantay na lamang ako ng ipapadalang assignments ko. sana marami para mas marami akong sasahurin ngayong katapusan. kailangan ko ng budget dahil luluwas ang aking tropa at siguradong gigimik kami kasama ng mga bata.

sabado… sana makapamasyal kami sa mall ngayon, di tulad ng linggong ito dahil nagkaroon ng obertaym si G dala ng mooncake festival celebration sa kanilang opisina. magsisimba na rin kami dahil sa linggo, may obertaym na naman si G. sabi nga nya, kailangan namin yun dahil baka kailanganin ko pa ng 3rd cycle sa clomid…

hay, sana walang maging problema sa linggong ito. sana maging masaya at maharap ang kung anumang dumating… sa ngayon, magtratrabaho muna ako at nang maraming matapos. ika nga, toxic ako ngayon…

ps… magsusulat pa uli ako mamaya. meron akong gustong i-chika!

 

i lab yu sabado September 22, 2007

Filed under: buhay may-asawa — gwenmari @ 5:56 pm

madalas inaasam ko na sana sabado na. ito kasi ang umpisa ng dalawang araw naming pagsasama ng aking asawa (nang matagal-tagal 🙂 ito rin ang tinatawag naming bonding moment namin. madalas pag sabado kami dumadalaw sa aking doktor (OB) para kumonsulta. dahil sa haba ng pila sa kanya ay inaabot na kami ng hapon kaya tuloy na kami sa mall. mabuti na lang katabi ng AH ang Festival, at least nakakapag unwind kami kahit konti. madalas ay nag-iikot lang kami o di kaya ay nagpapalipas ng oras sa tom’s world kakalaro ng basketball. ito ay habang inaantay ang oras ng misa (para hindi na kami lalabas kinabukasan). pagkatapos ng misa ay kakain na kami o mag-gogrocery muna para sa aming supplies ng buong linggo. makakauwi na kami ng mga alas diyes ng gabi. pagdating sa bahay, manonood kami kaunti ng tv bago magbihis at matulog 😉

ang linggo ay mas masaya dahil nakakatulog ako ng hanggang alas nuwebe ng umaga. at paggising ko, nakapagluto na ng agahan si G (yun ay kung hindi sya maunang tawagin ng komputer, kundi vice city ang agahan namin). Makakain kami ng bandang alas onse na at palilipasin na naman ang oras sa pamamagitan ng pagbabasa ng dyaryo o kaya ay paglalaro sa kompyuter. pagkapanghalian, manonood na naman kami ng tv hanggang sa magsawa kami at magutom uli.

huli na naming mapapansin na gabi na pala at wala kaming makabuluhang nagawa sa araw na ito. madalas mas maaga kaming matulog pag linggo biglang paghahanda sa lunes…

 

Protected: mga dahilan… September 21, 2007

Filed under: buhay-buhay — gwenmari @ 5:33 pm

This content is password protected. To view it please enter your password below:

 

Pagbabagong buhay

Filed under: buhay-buhay — gwenmari @ 5:17 pm

Ninais kong gawing isang blog ito tungkol sa aking mga pinagkakakitaan kaso hindi ko sya ‘mamonitor’ ng madalas dala na rin ng trabaho. Kaya heto ako ngayon at nag-iisip-isip ng kung anu-anong maaari kong isulat dito. Malamang, gaya ng iba ko pang nadadalaw na mga blog sa wordpress, ako na rin ay magsusulat sa wika kung saan ko mas maipapahayag ang aking sarili ng mas mabuti. Sa totoo lang, nakakapagod at nakakasawa na ring magsulat sa wikang Ingles… ilalalaan ko na lang ito sa isa kong blog kung saan mas may pagkakataon akong magkapera.

Sa ngayon, sa araw ng Martial Law… iprinoproklama ko na na ang blog na ito ay magiging mas makulay at mas magkakaroon ng buhay mula ngayon. Alam nyo naman kung gaano ako kadaldal… eto na po ang umpisa!

 

paid advertisements September 13, 2007

Filed under: thoughts — gwenmari @ 7:41 pm

Aside from PayperPost, I also joined Blogvertise and Smorty. These are all sites where you write about certain products in your blog and you get paid for it. The blog earning is hitting most of the blog owners that I know. There was even this segment in Mel & Joey (a local talk show) which featured a blogger who earns at least $5,000 in his blog…

I wish to reach only as much as $100 a month but $1,000 won’t be bad at all… wishful thinking 😀

 

paypal problem

Filed under: thoughts — gwenmari @ 7:38 pm

My payperpost articles where already said to be paid but I haven’t received any payment yet through my paypal. Is there any problem with paypal? Are my efforts going to waste??? I haven’t informed paypal about it yet becuase I am waiting for my payments in my other paid blog advertisements.

I hope I receive my money soon… I am saving for something… a gift for hubby this christmas 🙂